Thursday, August 23, 2012

Dana Punchlines 11-15

It's been a while since I posted here. A lot has happened since my last post and hopefully I'll be able to write about it soon. But for now, here's the third installment of Dana Punchlines:

Dana Punchlines 11 - April 17, 2011

Dana: Mommy, ikaw na lang magpaligo sa akin.
Me: Naku, anak, may sakit si mommy eh. Si yaya na lang.
(Dana nods.)
Me: O sige na, maligo ka na, maliligo na rin ako.
Dana: Eh, di ba may sakit ka?
Me: Sipon lang naman, anak.
Dana: Magpunas ka na lang!
(Sino ang nanay sa eksenang ito?)

Dana Punchlines 12 - April 23, 2011

(On choosing where to eat...)
Dana: Gusto ko sa McDo!
Me: Sawa na ako dun eh. Gusto ko mag-Kenny!
Dana: Huwag! Sasakit ang ngipin mo!
Daddy: Anak, Kenny, hindi KENDI!

Dana Punchlines 13 - May 7, 2011

While having breakfast...
Dana: Gusto kong tumaba, para magka-asawa ako.
Me: Bakit? Pag mataba ba, nagkaka-asawa?
Dana: Oo, ikaw nga meron eh!
(She did it again!)

Dana Punchlines 14 - July 2, 2011

Almost everyday after school, Dana would show me her arm marked with a star. The other day, she went home without a star, so I asked her:
Me: Dana, bakit wala kang star ngayon?
Dana: Ewan ko, baka naubos yung pang-tatak.
(Ayun o, may istorya agad. Bilhan ko kaya ng bagong pangtatak si teacher?)

Dana Punchlines 15 - July 22, 2011

(Sa kotse, pagkatapos madaanan ang isang branch ng McDo...)
Dana: Mommy, kain naman tayo sa McDo.
Me: Bukas na lang, anak. Lampas na tayo eh.
Dana: Eh, tinatawag ako ng McDo, mommy.
(Mental note: Sige, sasakyan ko ang trip nitong anak ko...)
Me: Talaga? Tinatawag ka ng McDo? Ano'ng sabi sa 'yo?
Dana: Sabi niya, "Dana, kain ka na..."
(Ngek! May sagot pa rin?)

No comments:

Post a Comment