Since September of 2010, I have been posting conversations with Dana on my Facebook wall. I have collected a few and I have gained some followers of my "Dana Punchlines". So, I am re-posting them here at the request of my friend Velvet. According to her, these make her smile and she sometimes goes back to these posts to make her day a little brighter. Here's the first installment:
Dana Punchlines 1 (Sept. 16, 2010)
Dana: Mommy, punta tayo sa parlor, papagupit ako ng buhok eh.
Me: O, sige, pero isama natin si Darla.
Dana: Wag na!
Me: Bakit wag na?
Dana: Kalbo naman siya eh!
Dana Punchlines 2 (Sept. 16, 2010)
Dana: Mommy, umiiyak ka?
Me: Hindi, anak. Masakit lang ang ngipin ko.
Dana: Ayan kasi, wag ka na kumain ng Nips!
(Note: Hindi ako kumakain ng Nips. Si Dana ang lagi kong sinasabihan na wag kumain ng Nips para hindi sumakit ang ngipin niya.)
Dana Punchlines 3 (Sept. 17, 2010)
Daddy: Dana, anak, ang taba mo na. Ang laki na ng tiyan mo o!
Dana: (Turns to me and looks at my tummy)... Si mommy din o!
(Haaaaayyy! Nadamay pa ako)
Dana Punchlines 4 (Sept, 29, 2010)
On the Phone...
Me: Yaya, tanong mo nga kay Dana kung gusto niya akong makausap.
Yaya: Dana, gusto mo daw ba makausap si mommy?
Dana: (Heard sa background) Ayaw!
Me: Sabihin mo, pag di niya ako kinausap, wala siyang waffle mamaya.
Yaya: Wala ka daw waffle mamaya pag di mo kinausap si mommy.
Dana: Kumain na ako ng waffle eh!
Dana Punchlines 5 (October 10, 2010)
Before bathing, nilalagyan ko ng VCO si Dana all over her body (para di ma-dry and to avoid rashes sa skin niya. She has atopic dermatitis kasi.) So, that's what I did this morning and here's what happened:
Daddy: (Nang-aasar) Ayan, ipi-prito na si Dana!
Dana: Daddy, hindi ako ulam!
More Dana Punchlines to come... Abangan!
No comments:
Post a Comment