Let me first thank my friends and relatives who are avid followers of the Dana Punchlines series. But I hope you read my other blog entries too. :-)
Dana Punchlines 16 - July 22, 2011
(Sa isang birthday party...)
Me: Dana, try mo itong fish, masarap, promise.
(Dana tries the fish)
Me: O, masarap, di ba?
(Dana nods)
Me: Try mo naman itong chicken, masarap din, promise!
(Dana tries the chicken)
Dana: Mommy, ayaw ko yan!
Me: Bakit? Masarap kaya!
Dana: Ayaw ko yan, mommy. Promise!
Dana Punchlines 17 - July 22, 2011
(Same birthday party as punchline 16, dinner time)
Dana: Nasaan na yung babaeng may hawak ng mic kanina?
(She was referring to the party host)
Me: Baka kumakain din, anak.
(Dana looked around)
Dana: Bakit di ko siya nakikita?
Me: Baka nagtatago.
Dana: Bakit siya nagtatago?
Me: Baka nahihiya.
Dana: Eh, bakit kanina hindi siya nahihiya?
(Di ko na alam ang isasagot ko at this point).
Dana Punchlines 18 - July 24, 2011
(While eating breakfast, lumapit sa akin si Dana)
Dana: Mommy, I want to eat.
Me: Wow! Ang galing mo na talaga mag-English anak! Ano ulit yun? Ulitin mo nga.
Dana: Mommy, I want to KAON!
(Ayun o, hinalo ang Bicol sa English! Biclish?)
Dana Punchlines 19 - August 7, 2011
(Sa isang birthday party na naman sa Jollibee)
Dana: Mommy, nauuhaw ako. Gusto ko ng Coke.
Me: May tubig ka diyan, wag na lang Coke. Bawal sa 'yo yan.
Dana: Eh, bakit pag pumupunta kami nina Mamita sa Jollibee, pinapainom nila ako ng Coke?
(Iniabot ko ang Coke)
Me: Konti lang ha?
Mental Note: Lagot sa akin si Mommy (Mamita ni Dana) pag-uwi!
Dana Punchlines 20 - October 18, 2011
Last Sunday, after exploring Eton Centris' playground, Dana wanted to ride the carousel:
Dana: Mommy, gusto ko sumakay doon.
Me: Sige, mamaya anak, kain muna tayo.
Dana: Ok, mommy.
Me: Bilisan mo kumain para makasakay ka agad dun.
Dana: Sa TSUBIBO?
(Classic ka anak, pati words mo classic. Ang tagal ko nang hindi naririnig ang word na tsubibo).
No comments:
Post a Comment